Pagod. (Tagalog Poem)

Dapat ipikit

Ang maririkit

Mong mga mata;

Ipahinga at saka muling magsimula.

Ihaon mo ang yong kamay,
Sapagkat ito’y nangangalay.

Huminga ka,

At ipahid ang mga luha.

Utak mo’y nangingilo

Litong lito, hilong hilo.

Pagod sa buong araw

Na pag-aaral; hanggang sa ito’y umapaw.

Bibig mo’y nanginginig,

Di maintindihan ang tindig.

Maputla at tuyo,

Mula sa buhay na kinalbaryo.

Mararamdaman mong

Nawawalan ka na ng pulso.

Makakibo, ay di magawa

Pagiging uto-uto ang naging pag-asa.

Pagod at lungkot

Patuloy na sumulpot.

Mga pangarap ay dumidilim,

Nararamdama’y kinikimkim.

Pagod ang nagsilbing kumot
Kasama ng kaba at takot.

Sarili’y di inalagaan,

Buhay patuloy na pinabayaan.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s